The Noble Qur'an Encyclopedia
Towards providing reliable exegeses and translations of the meanings of the Noble Qur'an in the world languagesThe Women [An-Nisa] - Filipino (Tagalog) translation- Rowwad Translation Center - Ayah 94
Surah The Women [An-Nisa] Ayah 176 Location Madanah Number 4
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا ضَرَبۡتُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَتَبَيَّنُواْ وَلَا تَقُولُواْ لِمَنۡ أَلۡقَىٰٓ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَٰمَ لَسۡتَ مُؤۡمِنٗا تَبۡتَغُونَ عَرَضَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ مَغَانِمُ كَثِيرَةٞۚ كَذَٰلِكَ كُنتُم مِّن قَبۡلُ فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمۡ فَتَبَيَّنُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا [٩٤]
O mga sumampalataya, kapag naglalakbay kayo ayon sa landas ni Allāh ay magpakalinaw kayo [bago kayo humusga] at huwag kayong magsabi sa kaninumang nag-ukol sa inyo ng pagbabati: “Hindi ka isang mananampalataya,” habang naghahangad kayo ng mapapala sa buhay na pangmundo sapagkat nasa ganang kay Allāh ay maraming mahihita. Gayon kayo dati bago pa niyan ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa inyo kaya magpakalinaw kayo. Tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.