وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَرۡيَمَ إِذِ ٱنتَبَذَتۡ مِنۡ أَهۡلِهَا مَكَانٗا شَرۡقِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Bumanggit ka, O Sugo, sa Qur’ān na pinababa sa iyo ang ulat kay Maria – sumakanya nawa ang kapayapaan – noong lumayu-layo siya buhat sa mag-anak niya at bumukod siya sa isang pook sa dakong silangan mula sa kanila.
فَٱتَّخَذَتۡ مِن دُونِهِمۡ حِجَابٗا فَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرٗا سَوِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Saka gumawa siya para sa sarili niya, mula sa pagbukod sa kanila, ng isang panakip na tatakip sa kanya upang hindi sila makakita sa kanya sa sandali ng pagsamba niya sa Panginoon niya, saka isinugo Namin sa kanya si Anghel Gabriel – sumakanya nawa ang kapayapaan, saka nag-anyo ito sa kanya sa anyo ng isang taong lubos ang pagkalikha kaya nangamba siya na ito ay magnais sa kanya ng isang kasagwaan.
قَالَتۡ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Kaya noong nakita niya ito sa anyo ng isang taong lubos ang pagkalikha habang dumadako sa kanya ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay nagpapakalinga sa Napakamaawain laban sa iyo na may umabot sa akin mula sa iyo na isang kasagwaan, O heto. Kung ikaw ay isang mapangilag sa pagkakasala, mangangamba ka kay Allah.”
قَالَ إِنَّمَآ أَنَا۠ رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَٰمٗا زَكِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Nagsabi si Anghel Gabriel –sumakanya nawa ang kapayapaan: “Ako ay hindi isang tao. Ako ay isang sugo lamang mula sa Panginoon mo, na nagsugo sa akin sa iyo upang maghandog ako sa iyo ng isang kaaya-ayang lalaking anak na dalisay.”
قَالَتۡ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞ وَلَمۡ أَكُ بَغِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Nagsabi si Maria habang nagtataka: “Papaanong magkakaroon ako ng isang anak na lalaki samantalang walang nakalapit sa akin na isang asawa ni iba pa rito at hindi ako isang nangangalunya upang magkaroon ako ng isang anak?”
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞۖ وَلِنَجۡعَلَهُۥٓ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِ وَرَحۡمَةٗ مِّنَّاۚ وَكَانَ أَمۡرٗا مَّقۡضِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Nagsabi sa kanya si Anghel Gabriel: “Ang usapin ay gaya ng nabanggit mo na ikaw ay hindi nasaling ng isang asawa ni ng iba pa rito at hindi naging isang mangangalunya, subalit ang Panginoon mo – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsabi: ‘Ang paglikha sa isang batang lalaki nang walang ama ay magaan sa Akin,’ at upang ang anak na ipagkakaloob sa iyo ay maging isang palatandaan para sa mga tao sa kakayahan ni Allāh at maging isang awa mula sa Kanya para sa iyo at para sa sinumang sumampalataya sa Kanya. Ang paglikha sa anak mong ito ay isang pagtatadhana mula kay Allāh na naitakda, na nakasulat sa Tablerong Pinag-iingatan.”
۞فَحَمَلَتۡهُ فَٱنتَبَذَتۡ بِهِۦ مَكَانٗا قَصِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Kaya nagdalang-tao siya nito matapos ng pag-ihip ng anghel saka lumayu-layo siya kasama nito patungo sa isang pook na malayo sa mga tao.
فَأَجَآءَهَا ٱلۡمَخَاضُ إِلَىٰ جِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ قَالَتۡ يَٰلَيۡتَنِي مِتُّ قَبۡلَ هَٰذَا وَكُنتُ نَسۡيٗا مَّنسِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Saka nagpasakit sa kanya ang sakit ng panganganak at nagpapunta ito sa kanya tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi si Maria – sumakanya nawa ang kapayapaan: “O sana ako ay namatay bago ng araw na ito at naging isang bagay na hindi nababanggit upang hindi magpalagay sa akin ng kasagwaan.”
فَنَادَىٰهَا مِن تَحۡتِهَآ أَلَّا تَحۡزَنِي قَدۡ جَعَلَ رَبُّكِ تَحۡتَكِ سَرِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Saka nanawagan sa kanya si Jesus mula sa ilalim ng mga paa niya: “Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang sapa ng tubig na makaiinom ka mula rito.
وَهُزِّيٓ إِلَيۡكِ بِجِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ تُسَٰقِطۡ عَلَيۡكِ رُطَبٗا جَنِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Humawak ka sa katawan ng punong datiles at yugyugin mo ito, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa na napitas sa oras ng mga ito.
فَكُلِي وَٱشۡرَبِي وَقَرِّي عَيۡنٗاۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ ٱلۡبَشَرِ أَحَدٗا فَقُولِيٓ إِنِّي نَذَرۡتُ لِلرَّحۡمَٰنِ صَوۡمٗا فَلَنۡ أُكَلِّمَٱلۡيَوۡمَ إِنسِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Kaya kumain ka mula sa mga sariwang datiles, uminom ka mula sa tubig, magpagalak ka ng sarili sa ipinanganak mo, at huwag kang malungkot. Saka kung makakikita ka kabilang sa mga tao ng isa man at nagtanong ito sa iyo tungkol sa lagay ng ipinanganak ay sabihin mo sa kanya: Tunay na Ako ay nagsatungkulin sa sarili ko para sa Panginoon ko ng isang pananahimik sa pagsasalita kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isa man kabilang sa mga tao.”
فَأَتَتۡ بِهِۦ قَوۡمَهَا تَحۡمِلُهُۥۖ قَالُواْ يَٰمَرۡيَمُ لَقَدۡ جِئۡتِ شَيۡـٔٗا فَرِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Kaya naghatid si Maria ng anak niya sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya habang mga nagmamasama: “O Maria, talaga ngang naghatid ka ng isang bagay na sukdulang tagapanirang-puri yayamang nagdala ka ng isang batang lalaking walang ama!
يَـٰٓأُخۡتَ هَٰرُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ ٱمۡرَأَ سَوۡءٖ وَمَا كَانَتۡ أُمُّكِ بَغِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
O kawangis ni Aaron sa pagsamba (na isang lalaking maayos), ang ama mo ay hindi naging isang lalaking tagapangalunya at ang ina mo ay hindi naging isang babaing tagapangalunya at ikaw ay kabilang sa isang bahay na dalisay na kilala sa kaayusan. Kaya papaanong nagdala ka ng isang batang lalaking walang ama?”
فَأَشَارَتۡ إِلَيۡهِۖ قَالُواْ كَيۡفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِي ٱلۡمَهۡدِ صَبِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Kaya tumuro siya sa anak niyang si Jesus – sumakanya nawa ang kapayapaan – habang ito ay nasa lampin kaya nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya habang mga nagtataka: “Papaano kami mangungusap sa isang paslit samantalang ito ay nasa lampin?”
قَالَ إِنِّي عَبۡدُ ٱللَّهِ ءَاتَىٰنِيَ ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلَنِي نَبِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Nagsabi si Jesus – sumakanya nawa ang kapayapaan: “Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Ebanghelyo at gumawa Siya sa akin bilang propeta kabilang sa mga propeta Niya.
وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا أَيۡنَ مَا كُنتُ وَأَوۡصَٰنِي بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ مَا دُمۡتُ حَيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Gumawa Siya sa akin bilang maraming pakinabang para sa mga tao saan man ako naroon at nag-utos Siya sa akin ng pagsasagawa ng dasal at pagbibigay ng kawanggawa sa buong buhay ko.
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَتِي وَلَمۡ يَجۡعَلۡنِي جَبَّارٗا شَقِيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Gumawa Siya sa akin bilang nagpapakabuti sa ina ko at hindi Siya gumawa sa akin bilang nagpapakamalaki laban sa pagtalima sa [Kanya na] Panginoon ko ni tagasuway sa Kanya.
وَٱلسَّلَٰمُ عَلَيَّ يَوۡمَ وُلِدتُّ وَيَوۡمَ أَمُوتُ وَيَوۡمَ أُبۡعَثُ حَيّٗا
الفلبينية | Tagalog
Ang katiwasayan laban sa demonyo at mga katulong nito ay sumaakin sa araw ng kapanganakan ko, sa araw ng kamatayan ko, at sa araw ng pagbuhay sa akin bilang buhay sa Araw ng Pagbangon sapagkat hindi nambulabog sa akin ang demonyo sa tatlong kalagayang nagpapapanglaw na ito.”
ذَٰلِكَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَۖ قَوۡلَ ٱلۡحَقِّ ٱلَّذِي فِيهِ يَمۡتَرُونَ
الفلبينية | Tagalog
Ang nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay si Jesus na anak ni Maria. Ang pananalitang ito ay pagsasabi ng katotohanan hinggil sa kanya, hindi ang sinasabi ng mga naliligaw na nagdududa sa lagay niya at nagkakaiba-iba.
مَا كَانَ لِلَّهِ أَن يَتَّخِذَ مِن وَلَدٖۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
الفلبينية | Tagalog
Hindi nararapat para kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kabanal-banalan Siya para roon at nagpawalang-kaugnayan Siya. Kapag nagpasya Siya ng isang bagay ay makasasapat lamang sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na magsabi Siya sa bagay na iyon na mangyari saka mangyayari iyon nang walang pasubali. Kaya ang sinumang ganyan, Siya ay napawawalang-kaugnayan sa anak.
